COVID Vaccination sa National Center for Mental Health, sinimulan na rin


Umarangkada na rin ang pagbabakuna sa mga Medical Frontliners ng National Center for Health Development sa  Mandaluyong City.

Si NCMH Director Dr. Noel Reyes ang unang binakunahan ng CoronaVac.

Kabilang din sa mga tinurukan ang iba pang mga opisyal ng NCMH.

Dumalo sa vaccine rollout si Mayor Menchie Abalos at iba pang opisyal ng city government.

Patuloy ang panawagan ng LGU sa mga residente na magparehistro para sa libreng bakuna kontra COVID-19.

Sa pinakahuling bilang, umabot na sa mahigit 47,500 ang vaccine registrants sa Mandaluyong. 

Moira Encina

Please follow and like us: