Customs Dir. Milo Maestrecampo idiniin ni Mark Ruben Taguba na kinausap niya para makalusot ang shipment sa Customs

Idiniin ng Customs fixer na si Mark Taguba si Director Milo Maestrecampo ng Import Assessment Services.

Ayon kay Taguba, nakipag meeting sia noon kay mMestrecampo sa isang coffee shop para palusutin ang shipment na nabigyan ng alert order.

Pero walaaniyang  sinabi si Maestrecampo sa halip inutusan na magtungo sa katabing pizza parlor para makipagkita kay “Tita Nani” para mailabas ang shipment.

Kinumpirma ni Taguba na nagbayad siya ng dalawandaang libong piso para mailabas ang container na sa kaniyang impormasyon ay naglalaman ng general merchandise.

Bagaman walang  sinabi sa kaniya si Maestrecampo, naniniwala si Taguba na kasama si Maestrecampo sa mga tumatanggap ng tara o lagay para mailabas ang mga kargamento ng wala nang inspeksyon.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *