DA, hahakutin ang mga kamatis sa Benguet, Regions 2 at 3

Nangako ang Department of Agriculture (DA) na tutulungan ang mga nagtatanim na nabulukan ng kamatis sa Benguet Province at iba pang lugar sa Regions 2 at 3.

Sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na ang DA sa mga local government official sa mga nabanggit na lugar upang mahatiran ng logistics support ang mga tomato grower.

Partikular na magpapadala ng cargo trucks ang DA para hakutin ang suplay ng kamatis sa Benguet, Region 2 at Region 3 para dalhin ang mga produkto sa Kadiwa Centers para maibenta.

Batay sa report itinatapon na lamang ng mga nagtatanim ang kanilang inaning kamatis dahil masyadong bagsak ang presyo.


Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *