Daanan papasok sa Palasyo ng Malacañang bantay sarado para hindi mapasok ng mga ralliyista

Nagpapatupad ng dobleng higpit ng seguridad sa Palasyo ng Malakanyang kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day.

Dahil dito isinara ng mga kagawad ng Presidential Security Group o PSG ang Jose P Laurel Street ang kalsadang nasa harap mismo ng Palasyo ng Malakanyang.

Hindi pinapayagan ng PSG na makadaan ang anumang uri ng sasakyan sa Jose P. Laurel Street para masigurong hindi makakalusot ang mga militanteng grupo na nagsasagawa ng kilos protesta sa Mendiola.

Ang mga militanteng grupo ay nagsasagawa ng kilos protesta sa Mendiola ilang bloke lamang ang layo sa Palasyo ng Malakanyang.

Maging ang mga media na papasok sa Press Working Area sa New Executive Building ay hinigpitan narin ng PSG at hindi pinapayagan na makapasok ang mga walang access pass na inisyu mismo ng PSG .

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *