Dahilan ni Pangulong Duterte sa paghirit ng Martial Law extension dapat munang pakinggan – VP Robredo

Hiniling ni Vice President Leni Robredo na pakinggan muna ang dahilan kung bakit nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang batas militar hanggang matapos ang 2017.

Sinabi ni Robredo na magkakaroon ng special session ang Kongreso sa Sabado at pagkakataon na ito para mapakinggan ang dahilan ng Pangulo.

Ayon kay Robredo, wala siyang  ideya kung bakit kailangang palawigin nang hanggang Disyembre 31, 2017 ang batas militar sa Mindanao.

Sa kabila nito sinabi ni Robredo na dapat pag-usapan o pagdebatehan ng mabuti ang request ni Duterte na palawigin pa ng limang buwan ang Marial Law at hindi dapat  ipagkait sa publiko ang bagay na ito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *