2 pang Barangay sa Biñan City, Laguna, wala nang aktibong kaso ng COVID-19

Nadagdagan pa ang mga barangay sa Biñan City, Laguna na wala nang aktibong kaso ng Covid-19.

Ayon sa City Health Office, ang pinakabago sa mga idineklarang zero active case na lugar ang mga barangay ng Tubigan at Casile.

Ito ay matapos makarekober na sa sakit ang ilang Covid patients sa mga nasabing barangay.

Sa kabuuan, umaabot na sa 1,540 ang mga naitalang gumaling mula sa virus sa lungsod.

Bukod sa Tubigan at Casile, wala na ring aktibong kaso ng Covid ang mga Barangay Santo Domingo, Poblacion, Bungahan, at sa BJMP.

Aabot na lamang sa 140 ang aktibong kaso sa Biñan City.

Moira Encina

Please follow and like us: