Dalawa, patay sa pagsabog sa Sto. Tomas, Batangas

 

Dalawa katao ang patay sa pagsabog na nangyari ngayong araw, March 18 sa Sto. Tomas, Batangas.

Batay sa inisyal na ulat, nangyari ang pagsabog alas-onse kaninang umaga sa Barangay San Roque.

Ayon kay San Roque Police Director Senior Supt. Edwin Quilates, nangyari ang pagsabog sa isang bahay na ginagamit para gumawa ng mga blasting caps at detonators.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung para saan ang mga ginagawang explosives.

Sa nasabing pagsabog, nadamay ang ilang mga kabahayan at naapektuhan rin ang kalapit na paaralan ng Barbara Micarelli school kung saan pinauwi na kaagad ang mga estudyante matapos ang insidente.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

 

====================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *