Dalawang barko ng PCG na maghahatid ng relief goods, tumulak na patungong Batanes

Tumulak na patungong Itbayat, Batanes ang dalawang barko ng Philippine Coastguard (PCG) na maghahatid ng relief goods para sa mga biktima ng lindol roon.

Lulan ng BRP Malabrigo at BRP Capones ang mga relief goods mula sa DSWD at PCG auxiliary gaya ng mga bigas,  mga delatang pagkain, gatas, kumot, folding beds at mga tents.

Sakay din ng mga barko ang mga karagdagang tauhan na tutulong sa  medical activities at relief operations ng mga PCG personnel sa Batanes.

Pagkatapos ng relief operations ang mga nasabing barko ay magpapatrulya sa karagatan ng Batanes para pangalagaan ang soberenya ng Pilipinas sa atas na rin ng Pangulong Duterte.

Kanina ay lumipad din ang Islander plane ng PCG patungong Batanes na may dalang relief goods at tutulong naman sa medical evacuations at transport activities ng PCG.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *