Dalawang drug suspect patay sa police operation sa Makati city

Sa makitid at madilim na eskinita naabutan at napatay ng mga operatiba ng Makati city police ang dalawang drug suspect matapos na manlaban sa isinagawang simoultaneous police operation sa lugar kagabi.

Tumakbo  ang mga suspect at nagpaputok din ang mga ito sa mga pulis.

Ayon kay Police Senior Supt. Roger Simon, nahuli ang mga suspek matapos magtip  sa mga otoridad na may gagawing drug trade ang dalawang suspect kaya kaagad nila itong natunton sa lugar.

Narekober sa mga suspect ang pitong sachet ng shabu, dalawang baril at isang hand grenade.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *