Dalawang farm workers mula sa San Luis Pampanga, nag-negatibo sa bird flu

Negatibo ang resulta ng pagsusuri sa dalawang poultry workers mula sa San Luis, Pampanga na nauna nang nakitaan ng flu-like symptoms.

Ayon kay Department of Health Secretary Paulyn Ubial, sa labing apat na farm workers na sinuri ang kalusugan, ang dalawa ay kinailangang i-isolate matapos makitaan ng sintomas ng flu.

Kinuhanan ng sample ang dalawa na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine at base sa resulta ng pagsusuri ay negatibo sila sa human influenza.

Ang dalawang farm workers ay maari nang makabalik sa trabaho ayon kay Ubial.

At upang makatiyak, binigyan din sila ng anti-viral na Prophylaxis para magtuluy-tuloy na ang kanilang paggaling.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *