Dalawang lalaki timbog sa pagbebenta ng iligal na droga sa Marawi City

Nakatakdang ipagharap ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang lalaki sa Marawi City matapos mahuling nagbebenta ng iligal na droga.

Ayon sa NBI, nadakip sa anti-illegal drugs operations ng Iligan District Office nito sa Barangay East Basak, Marawi City ang mga suspek na sina Omar Dimaporo at Dan Johnson Partos.

Courtesy: NBI

Nakumpiska mula kina Dimaporo at Partos ang mahigit 30 piraso ng maliit at malaking plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at shabu residue, barangay ID, voter’s ID, disposable lighter with improvised burner, glass totter, disposable lighters, gunting at plastic case na naglalaman ng empty small sachets.

Tinatayang mahigit P74,000 ang nasabat na iligal na droga mula sa dalawa.

Courtesy: NBI

Dinala ang mga drug evidences sa NBI Regional Office 10, Forensic Chemistry Division para sa quantitative at qualitative examination.

Moira Encina

Please follow and like us: