Dalawang Pinoy kumpirmadong patay sa lindol sa Türkiye

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino sa Türkiye ang nasawi dahil sa malakas na lindol na tumama doon.

Ayon kay DFA Spokesperson Ma.Teresita Daza, ito ay batay sa report mula sa Embahada ng Pilipinas sa Ankara.

Ang dalawang Pinoy ay unang napaulat na nawawala sa Antakya sa Hatay Province.

Courtesy: Philippine Embassy in Ankara

Nagpaabot ng pakikiramay ang DFA at ang Philippine embassy sa pamilya ng mga pumanaw na Pinoy.

Nakikipag-ugnayan na ang embahada at konsulado sa mga pamilya ng mga biktima sa parehong Pilipinas at Türkiye.

Gayunman, sinabi ni Daza na ang isang Pilipino na napaulat na nawawala rin sa Antakya ay natagpuang buhay.

Inihayag pa ni Daza na kabuuang 34 Pinoy at kanilang pamilya ang inilikas na at patungo na sa Ankara.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *