Dalawang pulis na dawit sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman, ipinapaaresto na ng Caloocan RTC

Ipinapaaresto na ng Caloocan City Regional Trial Court ang dalawang pulis na sangkot sa pagpatay sa mga binatilyo na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Ipinalabas ni Presiding Judge Georgina Hidalgo ng Caloocan RTC Branch 122 ang arrest order laban kina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita noong Enero 23,  apat na araw matapos isampa ng DOJ ang kaso sa mga ito.

Sina Perez at Arquilita ay kinasuhan ng DOJ ng patung-patong na kaso ng murder, torture at planting of evidence.

Sa arrest order ng korte, walang pyansa na inirekomenda para sa pansamantalang paglaya nina Perez at Arquilita.

Ang dalawang pulis ay nasa restrictive custody sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ulat ni Moira Encina

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *