Dalawang taong gulang na batang lalaki, patay nang mahulog sa balon

Patay ang isang 2-taong gulang na batang lalaki, matapos mahulog sa balon na may lalim na 20 talampakan,, sa Barangay Alasasin sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa may-ari ng balon, kinuha niya para magkumpuni at maglinis ng kanal ang ama ng bata sa dati nitong paupahan.

Subalit isinama ng ama sa kaniyang trabaho ang anak, at aksidente itong nahulog sa balon nang maapakan ang takip na plywood.

Kuwento pa ng may-ari ng balon, nakababa pa ang ama ng bata at nasagip ang kaniyang anak, ngunit na-suffocate naman ito habang nasa ilalim pa, sanhi para mabitiwan nito ang anak at tuluyan nang malunod.

Agad namang rumesponde ang Mariveles Rescue, Medics, MDRRMO, AFAB Fire Department, at mga barangay tanod at tulong-tulong na iniahon ang mag-ama mula sa balon.

Naisugod pa sa ospital ang bata, subalit idineklara itong dead on arrival.

Ulat ni Larry Biscocho

Please follow and like us: