Dating Mayor ng Marawi City na financier ng Maute brothers, naaresto na ng pulis at militar

Naaresto sa isang checkpoint sa Villanueva, Misamis Oriental si dating Marawi City Mayor Fajad Salic.

Matagal na umanong financier ng magkapatid na Abdullah at Omar Maute si Salic na naaresto Miyerkules ng gabi.

Batay sa report, financial support ang ibinigay na tulong ni Salic sa magkapatid na Maute.

Ito rin ang dahilan kaya sa ilalim ng Martial Law sa Mindanao, kasama sa arrest order si Salic at kakasuhan din  ito ng rebelyon.

Bukod kay Salic, tatlong iba pa na kasama nito sa sasakyan nang maaresto ng mga otoridad.

Sumasailalim na rin sila  Salic sa booking process.

Isasalang na rin ang mga ito sa inquest proceedings ngayong araw at sasampahan na ng kasong rebelyon.

Ulat ni : Richard dela Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *