Dating NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Suportado ang full face to face classes

Suportado ni dating National task force against COVID- 19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagpapatupad ng face to face classes ng Department of Education at ng Commission On Higher Education.

Sa kapihan sa Manila bay news forum, ipinaliwanag ni Galvez na malaki ang maitutulong ng face to face classes sa mental wellness ng mga kabataan lalo na at galing sila sa dalawang taon na nasa bahay lang.

Bukod dito ay malaking tulong din aniya ito sa ekonomiya ng bansa na unti unti nang binubuksan.

Pinuri din ni Galvez ang political will ng DepEd at CHED na magpatupad ng face to face classes sa kabila ng banta ng COVID- 19.

Sa Nobyembre, magsisimula na ang full implementation ng face to face classes ng mga mag-aaral.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: