Dating Pangulong Duterte,magpapahinga muna sa bahay sa Davao city

Magpapahinga muna si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kaniyang anim na taong termino.

Ayon sa kaniyang dating assistant at ngayo’y si Senador Bong Go, matinding hirap ang pinagdaanan ng Pangulo.

Kahit may edad na hindi aniya halos nagpapahinga ang Pangulo dahil sa dami ng kaniyang trabaho.

Pinasalamatan naman ng Senador ang serbisyo ng Pangulo para sa mga Pilipino.

Kahapon pag -alis sa Malacañang nagtungo sa isang mall sa Makati ang dating Pangulo bago ito umuwi sa kanilang tahanan sa Davao city.

Meanne Corvera

Please follow and like us: