Dating PBA player na si Cris Bolado, patay sa motorcycle accident sa Cambodia

Patay sa aksidente sa Phnom Penh, Cambodia ang dating PBA player na si Cristiano “Cris” Bolado.

Sa post sa Facebook ng “Inasal Nation” ang Filipino restaurant sa Camboadia na pag-aari ni Bolado, kinumpirma ang pagkasawi ng datingPBA player dahil sa aksidente habang sakay ito ng motorsiklo.

Nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Bolado at sa Lucban, Quezon gagawin ang lamay.

Hindi naman nilinaw sa Facebook post kung ano ang detalye ng naganap na aksidente.

Gayunman, naka-post ang larawan ni Bolado habang sugatan at wala nang malay sa kalsada at ang motorsiklo nito ay nakatumba.

Si Bolado ay nakilala bilang “Jumbolado” sa PBA.

Taong 2003 nang magretiro si Bolado bilang PBA player.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *