Dating Senator Enrile nanumpa bilang chief presidential legal counsel

Nanumpa na nitong Martes si dating Senator Juan Ponce Enrile bilang chief presidential legal counsel.

Ayon sa Office of the Press Secretary, si Enrile ay pinapanumpa ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nakasaad sa isang statement ng pangulo .. . “Buo ang tiwala ko sa kakayahan at karanasan ni Enrile bilang lingkod-bayan kaya naman umaasa ako na lalong mapabubuti ang pagbibigay ng legal assistance patungkol sa mga magiging aksyon ng ating administrasyon.”

Ang 98 anyos na si Enrile ay pinangalanan bilang chief presidential counsel noong Hunyo. Ang kaniyang career sa public service ay higit 50 taon na.

Noong 2016, ay inanunsiyo ni Enrile na magreretiro na siya mula sa public service.

Please follow and like us: