Dating UP College of Law Dean Pacifico Agabin, kakatawan kay Senador Trillanes sa mga kaso at petisyon sa Korte Suprema at Makati RTC

Pinangalanan na ni Senador Antonio Trillanes ang mga abugadong kakatawan sa inihaing petisyon sa korte suprema at dalawang branch sa Makati Regional Trial Court.

Kaugnay ito ng kaniyang hirit sa Kataas-taasang Hukuman na maibasura ang inilabas na Proclamation 572 ng Malacañang na nagpapawalang bisa sa iginawad na amnestiya.

Kasama sa kakatawan kay Trillanes sina dating UP College of Law Dean Pacifico Agabin, dating Solicitor General Florin Hilbay at Law Professor Joselito Chan bukod pa kay Atty. Rey Robles.

Bukod sa petisyon sa Korte Suprema, nakapending sa dalawang branch ng Makati RTC ang petisyon ng DOJ na maisyuhan ng Arrest Warrant at Hold Departure order si Trillanes.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *