Davao city Mayor Sarah Duterte, nagpositibo sa Covid-19

Inanunsyo ng Office of the City Mayor of Davao na tinamaan ng Covid-19 virus si Mayor Sarah Duterte.

Ayon sa Facebook post ng City Government, mayroong mild symptoms ang alkalde at naka-isolate na sa ngayon.

Inaabisuhan ang mga nakasalamuha ni Mayor Sarah sa nakalipas na 14 araw na obserbahan ang sarili at sumailalim sa RT-PCR test upang matiyak na hindi na kumalat pa ang virus.

Please follow and like us: