Davao City Vice Mayor Paolo Duterte nadadawit ang pangalan sa isyu ng payola sa BOC – Taguba

Inamin ni Mark Taguba na nagagamit ang pangalan ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa umano’y isyu ng payola sa BOC.

Sa pagtatanong ni deputy Speaker Miro Quimbo tinanong nito si Taguba kung paano nya naiayos si Tita Nani na sinasabing tumatangap ng payola para sa IAS.

Matapos ang mahaba habang pilitan ay sinabi ni Taguba na sinasabi nina Tita Nani Jack at Smol na mayroong Davao group na ang chismis ay kay Vice Mayor ang nasa likod ng mga ito.

Pero aminado si Taguba na hindi nya pa nameet man lang si Vice Mayor Duterte at nagdududa siyang nagagamit lang ang pangalan nito.

Pumalag naman si IAS Dir. Milo Maestrecampo sa patuloy na pagkakadawit ng kanilang departamento sa isyu ng payola.

Duda ni Maestrecampo na may grupo na tinamaan ng mahigpit na monitoring nila kaya gustong masira ang IAS.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *