Davao Occidental at Eastern Samar, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa 119 kilometers Southeast ng nasabing bayan alas 8:18 kaninang  umaga.

Ayon sa Phivolcs, 11 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng pagyanig at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Samantala, niyanig din ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Hernani sa lalawigan ng Eastern Samar.

Naitala ang lindol alas 6:04 ng umaga sa 23 kilometers Northeast ng Hernani.

May lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang pinagmulan.

Hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *