Death Penalty Bill, susubukang muling isalang sa debate sa Senado

Muling susubukan ng Senado na isalang sa debate ngayong taon ang panukalang ibalik ang parusang bitay.

Pero nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III na ito ay may kinalaman lamang sa mga high level Drug Trafficking.

Ang panukala at aprubado na sa Kamara pero nakapending pa rin sa Committee level ng Senad.

Aminado si Sotto na hirap itong umusad sa Committee on Justice dahil mismong ang Chairman na si Senador Richard Gordon ay tutol sa panukala.

Iginiit naman ng Senador na napapanahon nang ibalik ang Death Penalty para maparusahan ang mga Drug trafficker na kahit nakakukong na at nahatulan ay patuloy na nakapag ooperate at nagbebenta ng bulto bultong illegal drugs.

Meanne Corvera

Please follow and like us: