Death toll sa PNP dahil sa Covid-19, umakyat na sa 92

Naragdagan pa ng isa ang mga pumanaw na pulis dahil sa Covid-19.

Dahil dito, ayon sa datos ng PNP Health service ngayong August 16, pumalo na sa 92 ang kabuuang namatay na mga pulis sanhi ng Covid-19 infection.

Nakapagtala rin ngayong araw ng karagdagang 106 kaso ng Covid-19 sa hanay ng PNP.

Kaya umaabot na sa 32,464 ang kabuuang kaso na may 1,970 active cases.

Naragdagan naman ng 93 ang mga gumaling sa karamdaman kaya umakyat na sa 30, 402 ang total recoveries sa hanay ng PNP.

Please follow and like us: