Deklarasyon ng Martial Law may limitasyon lang – DND

May limitasyon ang pagdedeklara ng batas militar.

Ito ang naging tugon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pagpapalawig sa ipinatutupad na Martial Law sa Mindanao hanggang limang taon.

Ayon kay Lorenzana, isang extra ordinaryong kapangyarihan ito ng Pangulo na dapat lamang gamitin kung may banta sa seguridad ng bansa.

Giit pa ng kalihim, itinakda sa konstitusyon ang mga limitasyon sa pagdedeklara ng batas militar para maiwasan ang pag-abuso rito na posibleng makaapekto sa kabuuang lagay ng bansa at ng mga mamamayan nito.

Gayunman, nilinaw ni Lorenzana na iginagalang niya ang posisyon ni Alvarez at susunod lamang sila sa magiging direksyon ng gobyerno.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *