Departure area sa NAIA, mahigpit na binabantayan dahil sa dami ng mga lumalabas ng bansa galing ng bakasyon

Naka-alerto pa rin ang Bureau of Immigration (BI) sa mga papalabas naman ng Pilipinas na nagbakasyon sa bansa noong holiday season.

Ayon kay Immigration Port operations division Acting chief Grifton Medina, partikular silang nakatutok sa Departure gates ng NAIA.

Dahil dito, pinayuhan ni Grifton ang mga palabas ng bansa na maaga nang magtungo sa mga Immigration counter upang maiwasan ang congestion.

Matatandaang umabot sa mahigit 2 milyon ang dumating sa bansa noong Disyembre.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *