DepEd Imus, namahagi ng tablet at gadget accessories sa mga high school student

Animnapung (60) high school students sa Imus, Cavite ang nakatanggap ng libreng tablet at gadget accessories mula sa mga opisyal ng Dept. of Education (DepEd) Imus, at city government ng Imus, Cavite.

Ayon kay Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, puspusan ang paggawa ng paraan ng lokal na pamahalaan upang masuportahan ang edukasyon ng mga estudyante, bunsod na rin ng pandemya lalo na ang mga hirap sa buhay at walang kakayahang tustusan ang pag-aaral.

Sinabi pa ng alkalde na sa pamamagitan nito ay matutulungan nila ang mga mag-aaral na nangangailangan ng gadget, para sa online learning set-up ng kanilang paaralan.

(photos courtesy of Mayor Emmanuel Maliksi fb page)

Jet Hilario

Please follow and like us: