Deployment ban, posibleng palawakin pa hanggang Saudi Arabia

Ikinukunsidera ng Department of Labor and Employment o DOLE na palawakin pa ang deployment ban mula Kuwait hanggang Saudi Arabia at iba pang bansa sa Gitnang Silangan.

Ito’y matapos ang mga ulat na ang mga Filipino household workers sa nasabing bansa ay tila ikinakalakal na parang mga alipin.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, talamak sa Saudi ang tinatawag na Kafala system kung saan karaniwang nagpapalitan ang mga employer ng kanilang mga manggagawa.

Dahil dito, ayon kay Bello, ikinukunsidera ang posibleng deployment ban sakaling hindi masiguro na hindi mapapagtibay ang ibinibigay na proteksyon para sa mga manggagawang Pinoy.

 

==========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *