Destabilisasyon kung mananalo si BBM sa halalan, malabo

Bilang reaksyon naman sa mga pahayag na kapag si dating Senador Bongbong Marcos ang nanalo sa May 9 elections ay hindi matitigil ang mga destabilisasyon sa gobyerno,iginiit ng kilalang blogger na si RJ Nieto na malabo itong mangyari.

Sa mga ayaw naman na makabalik sa kapangyarihan ang mga Marcos, iginiit ni Nieto na ilang beses na rin namang nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aquino at Liberal party na maupo sa pinakamataas na pwesto sa gobyerno pero wala rin namang nangyari.

Giit ni Nieto hindi siya kabilang sa sinasabing loyalista ng mga Marcos kundi nakitaan lang niya ito ng mga katangiang nararapat para maging susunod na Pangulo ng bansa.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us: