DFA, ikinalugod ang pagpapalaya sa isa pang Pilipino na dinukot ng Hamas

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mediation efforts ng Qatar na naging daan para makawala mula sa pagkakabihag ang isa pang Pilipino mula sa Hamas na si Noralin Babadilla.

Nagpasalamat din nang lubusan ang DFA sa Israel sa pagpayag sa mga kondisyon upang mapakawalan ang mas marami pang bihag kabilang si Babadilla at sa lahat ng tulong sa mga Pinoy sa Israel.

Pinasalamatan din ng DFA ang suporta at papel ng Egypt, ICRC at iba pang International organizations sa proseso.

Tiniyak ng kagawaran na committed ito na mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipino na apektado ng kaguluhan at umaasang matatapos na ang lahat ng karahasan sa rehiyon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *