DFA, inaalam pa kung may mga Pinoy na nadamay sa bumagsak na eroplano sa Kenya

Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA)  kung may Pinoy na nadamay sa 157 namatay nang bumagsak ang Ethiopian Airlines habang pabalik ito sa Kenya kahapon.

Inatasan na ng mga opisyal ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo at Nairobi na makipag-ugnayan sa mga otoridad sa Addis Ababa.

Sa imbestigasyon, walo sa mga biktima ay mga crew members ng Ethiopian airlines flight ET302 boeing 737.

Sakay nito ang 33 nationalities nang bumagsak sa Kenya.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas sa mga biktima.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *