DFA Secretary Cayetano, nagtalaga ng bagong pinuno ng Office of Public Diplomacy ng kagawaran

 

Itinalaga bilang acting Assistant Secretary for Public diplomacy ng Department of Foreign Affairs si Elmer Cato.

Papalit si Cato sa puwesto na iniwan noong nakaraang taon ni Assistant Secretary Charles Jose na ngayon ay Ambassador na ng bansa sa Kuala Lumpur.

Bago naging charge’ d’ affairs sa Baghdad, Iraq, nanilbihan muna si Cato sa Philippine Embassy sa Washington DC noong 2012 hanggang 2015.

Naging press officer din siya sa Philippine permanent mission to the United Nations mula 2003 hanggang 2010.

 

===================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *