DILG, nagkaloob ng safety seal sa ilang business establishments sa Navotas

Nagkabit ng Safety seal si DILG USEC Jonathan malaya sa sa ilang business establishment sa Navotas.

Ito’y bilang patunay na nakakasunod ang naturang mga establishment sa mga itinatakdang health protocols.

Kabilang na rito ang paglalagay ng contact tracing apps, pagsusuri sa temperatura ng mga pumapasok sa lugar, may suot na facemasks at faceshield at nagpapatupad ng social distancing.

Sinabi ni Malaya na ang safety seal ay bilang pagpapakita sa publiko na ligtas sa virus ang kanilang mga pinupuntahang lugar.

Meanne Corvera

Please follow and like us: