Direk Soxie Topacio, pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 65 ang respetado at batikang direktor sa larangan ng teatro, pelikula at telebisyon na si Soxie Topacio.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang mga kaanak matapos ang pakikipaglaban ni Topacio sa sakit na Lung cancer.

Bumuhos naman ng mga mensahe ng pakikiramay ang ilang mga kilalang artista na naka-trabaho ng batikang direktor.

Maging ang Philippine Educational Theater Association o PETA na inilarawan si Topacio bilang isa sa mga natatangi sa larangan ng Performing Arts.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Direk Soxie ay  “Mag-toning muna tayo”, Ispiritista: Itay, may Moomoo”, at “Bwakaw”.

Lumabas din siya sa pelikula ni Lino Brocka na “Bona”.

Pinakahuling nagawa naman ni Topacio na pelikula ay ang “Ded na si Lolo”, kung saan napanalunan ng pelikula ang Best Foreign Language film sa ginanap na 82nd Academy Awards noong 2010.

 

(Story by: Kukay Tarrayo)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *