DMW tiniyak na kakasuhan ang illegal POGO hub recruiters ng mga Pinoy sa Myanmar, Laos and Cambodia

Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) na iimbestigahan at aalamin nito ang pagkakakilanlan ng mga indibuduwal na nag-recruit at nangako ng mga disenteng trabaho sa mga Pinoy sa Myanmar, Laos at Cambodia pero napunta sa illegal POGO hubs.
Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, kakasuhan nila ang mga mapatutunayang illegal recruiters.

DMW Undersecretary Bernard Olalia / Courtesy: PIA
Matatandaan na ni-reptriate na ng gobyerno ang 12 Pinoy na trafficking mula sa Myanmar.
Sinabi ni DMW Undersecretary Bernanrd Olalia, “We are willing to file the necessary criminal case at sasampahan natin ang mga nag-recruit sa kanila.”
Aniya, may sistema na ang DMW para malabanan ang trafficking ng mga Pinoy sa mga nasabing bansa, dahil na rin sa pagkakatalaga ng labor attache ng Pilipinas sa Thailand.
May mahigpit din aniyang koordinasyon ang DMW sa Bureau of Immigration para matukoy kung lehitimong OFW ang aalis o biktima ng human trafficking.
Ayon kay Olalia, “Sila po sa BI ang nagdi-determine kung pwedeng umalis ang workers at kapag nakita po nila sa proseso na hindi angkop ang OEC o visa nila o work doon sa employment contract, hindi sila pinapayagan umalis sumusulat po sa amin at ine-endorse sa IACAT.”
Pinayuhan ni Olalia ang publiko o ang mga nagbabalak na magtrabaho abroad na maging maingat laban sa mga hindi lehitimong recruitment agencies at siguraduhing dumaan sa tamang proseso.
Aniya, “Huwag po tayong aalis thru illegal backdoor migration, yung regular documentation po ay in place saka di dapat tourist visa ang gagamitin kung aalis ng Pilipinas at magtatrabaho kayo, dapat employment visa yan, daraan sa proseso at may overseas employment contract.”
Moira Encina-Cruz