DOE tiniyak na may sapat na suplay ng kuryente ngayong holiday season

Tiniyak ng Department of Energy na may sapat na suplay ng kuryente ngayong holiday season.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na kadalasang tumataas ang demand ng kuryente at iba pang energy supply kapag papatapos na ang buwan ng Disyembre.

Gayunman nananatili aniyang stable ang power at fuel supply kahit pa maraming negosyo na ang bumalik na sa operasyon.

Makakaasa aniya ang publiko na walang mangyayaring energy services interruption.

Ayon kay Cusi patuloy silang magmomonitor para matiyak na mabibigyan ng sapat na enerhiya ang mga bahay at mga negosyo ngayong holiday season.

Meanne Corvera

Please follow and like us: