DOH Calabarzon nag donate ng bagong ambulansya sa pamunuan ng PNP region 4a

Nai-turn over na ng DOH Calabarzon ang isang bagong ambulansya para sa Regional Tactical Operations Center – ng Police Regional Office 4A. 


Personal na ibinigay ni DOH region 4a Director Dr. Eduardo Janairo ang ambulansya kay P/MAJ. Garry R. Paredez, Chief of Medical Dispensary at kay P/LT. Diosdado A. Bayan.


Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, mula aniya nang magkaroon ng pandemiya sa bansa na dulot ng Covid 19 ay naging katuwang na ng DOH ang PNP sa paglaban kontra sa naturang virus. 


Isa rin aniya ang mga pulis sa mga maituturing nating magigiting na frontliners na nangangalaga sa ating kalusugan para hindi na kumalat pa ang covid 19.


Kasama din ng ahensya ang mga pulis sa hirap at dahil aniya dito ay marami na rin sa kanila ang nasawi tulad ng ating mga health worker dahil sa Covid 19.

Jet Hilario

Si DOH Reg. 4a Dir. Eduardo Janairo at mga opisyal ng PNP reg. 4a

Please follow and like us: