DOH, nagbabala sa publiko laban sa pekeng VaxCert PH social media account

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga pekeng VaxCert PH social media account.

Ayon sa DOH, batay sa nakarating na impormasyon sa kanila ang pekeng accounts na ito ay naniningil para sa registration.

Binigyang diin ng kagawaran na libre ang Digital Vaccination Certificate para sa mga Pilipino at iba pang binakunahan kontra Covid-19 dito sa Pilipinas.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na maging maingat sa pag-access sa mga site para hindi ma-scam.

Para sa lehitimong site na pwedeng puntahan para sa nais mag-request ng vaccination certificate ay pwedeng bumisita sa vaxcert.doh.ph

Madelyn Villa Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *