DOH nagtalaga na ng bagong OIC sa DOH Calabarzon.

Nagtalaga na si DOH Sec. Francisco  Duque III ng Officer in Charge OIC sa DOH region 4a. 

Itinalaga ni Sec. Duque si Dra. Paula Paz M. Sydiongco, Director III at kasalukuyang Assistant Regional Director of DOH Calabarzon.

Ito ay dahil sa sumapit na sa cumpolsary retirement si DOH Regional Director Dr. Eduardo Janairo nitong Nobyembre 20. 

Ayon kay Sydiongco, ipagpapatuloy niya ang mga magagandang nasimulan ng ahensya na ipinatupad sa panahon ng pangunguna ni Dr. Janairo. 

Tiniyak din ni Sydiongco na lalo pa nilang pagbubutihin ang paglilingkod at pagbibigay ng serbisyong medikal sa publiko lalo na sa panahon ngayon ng pandemiya na dulot ng Covid 19.

“I will continue the health innovations and development programs to improved health policies and systems started by Director Janairo and ensure that health services will improve people’s health, focusing on the needs of vulnerable populations,” 

(Bahagi ng pahayag ni OIC DOH Reg. 4a Dir. Dra. Paula Paz M. Sydiongco)

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: