DOH nakapagtala ng 10,098 bagong Covid-19 cases ngayong Linggo

Bahagyang bumaba sa 10,098 ang kaso ng Covid-19 cases sa bansa mula sa 11,101 new cases kahapon.

Dahil dito ayon sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 936,133 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

Pero mula sa nasabing bilang, nasa 15.1% o 141,089 ang aktibong kaso.

May naitala rin ang DOH ng 72,607 na mga bagong nakarekober sa karamdaman kaya umakyat na sa 779,084 ang recovered cases.

Habang may bagong 150 pasyente naman ang namatay kaya nasa 15,960 na ang detah toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: