DOH, nakapagtala ng 10,271 na bagong kaso ng COVID-19 noong nakalipas na linggo

Nakapagtala ng 10,271 bagong kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula Hulyo 4 hanggang 10, ang average daily cases ng COVID- 19 sa bansa ay nasa 1,467 na mas mataas ng 39% kumpara noong Hunyo 27 hanggang Hulyo 3.

May 27 namang naitalang bagong kaso ng severe at kritikal at 50 nadagdag sa listahan ng nasawi.

Pero ayon sa DOH, sa 50 na ito, 1 ang nasawi noon pang Mayo,tatlo noong Pebrero, walo noong Enero at ang iba noong 2021 pa at may isa na noon pang 2020.

Please follow and like us: