DOH nakapagtala ng 291 na fireworks related injuries sa bansa

Umabot na sa 291 ang naitalang nabiktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa Department of Health, mas mataas ito ng 55% kaysa naitala sa pagsalubong sa 2022.

Pinakamarami parin sa mga nabiktima ay mula sa National Capital Region.

Karamihan sa mga biktima ng paputok, nagtamo ng pinsala sa kamay at mata.

Kabilang parin sa top 3 na may pinakamaraming nabiktima ay kwitis at mga iligal na paputok na Boga at 5-star.

Wala namang naitalang nakalulon ng paputok at hindi narin nadagdagan ang biktima ng stray bullet.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *