DOH nakapagtala ng 5,979 na bagong kaso ng COVID- 19

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,979 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,149,925 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 54,235 naman ang aktibong kaso.

May 6,602 naitalang bagong gumaling mula sa COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 1, 076, 428 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 72 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 19, 262 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: