DOH nakapagtala ng 8,122 bagong mga kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,122 na bagong mga kaso ng Covid-19.

Dahil rito, umakyat na sa 892,880 ang kabuuang kaso ng Covid-19 infection sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 173,047 ang aktibong kaso.

May 501 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 704,386 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa Covid-19.

May 162 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 15,447 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa virus infection.

Madz Moratillo

Please follow and like us: