DOH nakapagtala ng karagdagang 7,228 kaso ng Covid-19; Panibagong 7,372 mga nakarekober, naitala rin

Nakapagtala ang Department of Health ngayong Linggo ng panibagong 7,228 mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Dahil sito sumampa na sa 1,269,478 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mula sa nasabing bilang, 59,337 ang aktibong kaso.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng panibagong 7,372 na mga nakarekober sa Covid-19 kaya umakyat na sa 1,188,243 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Mayroon ding naitalang bagong 166 na mga pumanaw kaya nasa 21,898 na ang namamatay dahil sa virus infection.

Please follow and like us: