DOH nakapagtala ng mahigit 4,000 bagong mga kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 4,973 bagong mga kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,184,706 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 48,917 naman ang aktibong kaso.

Samantala, may 6,666 ang naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,115,806 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 39 naman na naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 19,983 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: