DOH nakapagtala ng mahigit 5 libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng panibagong 5,177 na mga kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, pumalo na sa 1,235,467 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

Pero mula sa nasabing bilang, 53,203 ang aktibong kaso.

Samantala nakapagtala rin ang DOH ng bagong 6,230 na mga gumaling sa karamdaman kaya pumalo na sa 1,161,252 ang recovered cases sa bansa.

Mayroon ding naitalang 46 na bagong mga namatay kaya umakyat na sa 21,012 ang death toll ng bansa dahil sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: