DOH nakapagtala ng mahigit 5,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umaabot na sa 52,029 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,604 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 6,154 naitalang bagong gumaling.

May 84 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 24,456 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,403,588 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,327,103 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na. 

Madz Moratillo

Please follow and like us: