DOH nakapagtala ng mahigit 5,000 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,462 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,286,217 ng kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 54,000 naman ang aktibong kaso.

May 7,854 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1, 210,027 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 126 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 22,190 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: